𝐃𝐔𝐓𝐄𝐑𝐓𝐄 𝐌𝐔𝐋𝐈𝐍𝐆 𝐓𝐔𝐌𝐀𝐋𝐈𝐊𝐎𝐃 𝐒𝐀 𝐈𝐂𝐂 𝐇𝐄𝐀𝐑𝐈𝐍𝐆 — 𝐀𝐍𝐍𝐔𝐀𝐋 𝐃𝐄𝐓𝐄𝐍𝐓𝐈𝐎𝐍 𝐑𝐄𝐕𝐈𝐄𝐖, 𝐖𝐈𝐍𝐀𝐈𝐕𝐄

Muling nagsumite ng opisyal na waiver si dating Pangulong Rodrigo Roa Duterte kaugnay ng nakatakdang annual detention review hearing sa International Criminal Court (ICC) sa The Hague, Netherlands.

Sa dokumentong may petsang Pebrero 23, 2026, kinumpirma ni Duterte na ipinaliwanag sa kanya ng kanyang counsel ang kahalagahan ng taunang pagdinig upang repasuhin ang kanyang patuloy na pagkakadetine. Bagama’t nauunawaan umano niya ang kanyang karapatang dumalo sa pagdinig na nakatakda sa Pebrero 27, 2026, pinili niyang i-waive ang nasabing karapatan.

Ayon sa kanyang pahayag, lubos ang kanyang pagtitiwala sa kanyang legal team upang katawanin siya sa pagdinig at hamunin ang mga usaping may kinalaman sa kanyang detensyon. Nilinaw rin niyang hindi niya nais sundan ang pagdinig kahit sa pamamagitan ng communications technology mula sa labas ng courtroom.

Ang orihinal na kopya ng waiver na may lagda ng dating pangulo ay kasalukuyang nasa kustodiya ng kanyang mga abogado.

Ito ang ikalawang pagkakataon na tumanggi si Duterte na personal na dumalo sa mga pagdinig ng ICC, matapos din niyang i-waive ang kanyang karapatan sa confirmation of charges hearing. Patuloy na nakadetine ang dating pangulo sa ICC Detention Centre habang hinihintay ang susunod na mga hakbang sa proseso ng korte.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

Our Visitor

020782
Views Today : 80
Views Yesterday : 129
Views Last 7 days : 658
Views Last 30 days : 3607
Views This Month : 2325
Views This Year : 18187
Total views : 30322