๐๐ˆ๐๐€๐Š๐€๐Œ๐€๐‘๐€๐Œ๐ˆ๐๐† ๐๐€๐“๐€ ๐๐€๐๐€๐Š๐”๐๐€๐‡๐€๐ โ€” ๐๐€๐‘๐Œ๐Œ ๐๐€๐๐†๐”๐๐€ ๐’๐€ ๐๐”๐Ž๐๐† ๐Œ๐ˆ๐๐ƒ๐€๐๐€๐Ž

Isang malaking tagumpay sa kalusugan ang naitala ng Bangsamoro matapos manguna ang Ministry of Health โ€“ BARMM sa ginanap na Measles-Rubella Supplemental Immunization Activity (MR-SIA) sa buong Mindanao.

Sa datos ng aktibidad na pinangunahan ng Department of Health mula Enero 19 hanggang Pebrero 13, 2026, nakapagtala ang BARMM ng pinakamataas na vaccination coverage na 91%, na siyang pinakamataas sa lahat ng rehiyon sa Mindanao.

Sumunod ang CARAGA (87%), Region 9 at 10 (86%), Region 12 (78%), at Region 11 (65%). Bukod dito, nanguna rin ang BARMM at CARAGA sa pamamahagi ng Vitamin A supplementation na umabot sa 87%.

Ayon kay Minister Kadil Sinolinding, Jr., patunay ito na patuloy na lumalakas at nagiging mas matatag ang serbisyong pangkalusugan sa rehiyon. Dagdag pa niya, hindi lamang sa immunization nakikita ang pag-unlad kundi maging sa iba pang health programs ng ministeryo.

Samantala, sinabi ni Deputy Minister Zul Qarneyn Abas, focal person ng MR-SIA, na ang tagumpay ay bunga ng kolektibong pagsisikap mula regional program coordinators hanggang sa Provincial, City, at Rural Health Units, gayundin sa mga Barangay Health Units.

Nagpaabot ng pasasalamat ang MOH-BARMM sa mga doktor, nurse, midwife, vaccinators, Barangay Health Workers, Barangay Nutrition Scholars, Muslim Religious Leaders, at sa mga katuwang na ahensya tulad ng MSSD, MILG, MBHTE, at mga lokal na pamahalaan sa probinsya, lungsod, munisipyo at barangay.

Sa kampanyang ito laban sa tigdas, muling pinatunayan ng BARMM na kaya nitong manguna sa pagtatanggol sa kalusugan ng mga batang Bangsamoro.


Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

โ€œ

Our Visitor

020784
Views Today : 86
Views Yesterday : 129
Views Last 7 days : 664
Views Last 30 days : 3613
Views This Month : 2331
Views This Year : 18193
Total views : 30328