𝐋𝐈𝐁𝐎-𝐋𝐈𝐁𝐎𝐍𝐆 𝐌𝐈𝐋𝐅 𝐌𝐄𝐌𝐁𝐄𝐑𝐒, 𝐍𝐀𝐊𝐈𝐈𝐒𝐀 𝐒𝐀 𝐌𝐀𝐒𝐒 𝐀𝐌𝐍𝐄𝐒𝐓𝐘 𝐈𝐍𝐓𝐀𝐊𝐄 𝐒𝐀 𝐂𝐀𝐌𝐏 𝐃𝐀𝐑𝐀𝐏𝐀𝐍𝐀𝐍 𝐀𝐓 𝐌𝐀𝐌𝐀𝐒𝐀𝐏𝐀𝐍𝐎

Isinagawa ang malawakang Information, Education and Communication (IEC) Campaign at Mass Intake of Amnesty Applications noong Pebrero 25, 2026 sa Camp Darapanan, Sultan Kudarat, Maguindanao del Norte, at Pebrero 26, 2026 sa Mamasapano, Maguindanao del Sur bilang bahagi ng pinaigting na hakbang upang matulungan ang mga kasapi ng Moro Islamic Liberation Front (MILF) sa pagproseso ng kanilang aplikasyon sa ilalim ng Amnesty Program.

Naging sentro ang dalawang aktibidad sa pagbibigay-linaw sa mga proseso, pagtugon sa mga katanungan ng aplikante, at pagtanggap ng mga kinakailangang dokumento upang matiyak ang kumpletong pagsumite bago ang itinakdang deadline sa Marso 4, 2026.

Personal na pinangunahan ni MILF-AHJAG Chairman Anwar S. Alamada, MPA, na siya ring Certifying Officer para sa MILF Amnesty Applicants, ang facilitation ng certification-related processes at direktang nakipag-ugnayan sa mga aplikante. Naging katuwang din si Atty. Badrodin Mangindra, Legal Consultant, sa pagbibigay ng legal na gabay at pagsagot sa mga procedural concerns ng mga kalahok.

Nakibahagi rin ang mga kinatawan mula sa National Amnesty Commission (NAC) at iba pang partner institutions, patunay ng pinagsamang pagsisikap ng iba’t ibang ahensya sa pagpapatupad ng normalization track sa ilalim ng peace process.

Ipinapakita ng mga hakbang na ito ang patuloy na koordinasyon at determinasyon ng mga kinauukulan upang matiyak na ang mga kwalipikadong aplikante ay mabigyan ng sapat na suporta sa kanilang paglipat tungo sa ganap na reintegration at normal na pamumuhay.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

Our Visitor

020784
Views Today : 86
Views Yesterday : 129
Views Last 7 days : 664
Views Last 30 days : 3613
Views This Month : 2331
Views This Year : 18193
Total views : 30328