𝐇𝐈𝐍𝐃𝐈 𝐇𝐈𝐇𝐈𝐆𝐈𝐓 𝐒𝐀 ₱𝟐𝟎,𝟎𝟎𝟎 𝐀𝐌𝐄𝐋𝐈𝐎𝐑𝐀𝐓𝐈𝐎𝐍, 𝐀𝐏𝐑𝐔𝐁𝐀𝐃𝐎 𝐏𝐀𝐑𝐀 𝐒𝐀 𝐌𝐆𝐀 𝐊𝐖𝐀𝐋𝐈𝐏𝐈𝐊𝐀𝐃𝐎𝐍𝐆 𝐊𝐀𝐖𝐀𝐍𝐈 𝐍𝐆 𝐁𝐀𝐑𝐌𝐌

Sa bisa ng Administrative Order No. 004, Series of 2026, opisyal na inaprubahan ni Chief Minister Abdulraof A. Macacua ang pagbibigay ng One-Time Socioeconomic Ameliorative Measure (SAM) Allowance na hindi lalagpas sa ₱20,000 para sa bawat kwalipikadong opisyal at empleyado ng Bangsamoro Government para sa Fiscal Year 2026.

Ang hakbang ay isinagawa sa gitna ng pagsabay ng Ramadhan at Lenten season—panahong inaasahang tumataas ang gastusin at presyo ng mga pangunahing bilihin. Layunin ng pamahalaan na mapagaan ang pinansyal na pasanin ng mga kawani at mapalakas ang kanilang purchasing power sa panahong may mataas na demand sa ekonomiya.

Saklaw ng kautusan ang mga regular, temporary, coterminous, casual at contractual personnel, gayundin ang mga Contract of Service (COS) at Job Order (JO) workers, alinsunod sa umiiral na mga patakaran ng COA at DBM. Tanging ang mga empleyadong nasa opisyal na talaan ng BARMM hanggang Pebrero 15, 2026 ang kwalipikado.

Hindi naman kabilang sa benepisyo ang mga AWOL at ang mga hindi bahagi ng organic manpower ng kani-kanilang tanggapan.

Ang pondo para sa mga regular at plantilla personnel ay kukunin mula sa Miscellaneous Personnel and Benefits Fund (MPBF), habang ang para sa COS at JO ay manggagaling sa Contingent Fund, Special Trust Fund, o iba pang pinahihintulutang sources alinsunod sa itinakdang guidelines.

Inaatasan ang lahat ng Ministries, Offices, at Agencies na iproseso at maipamahagi ang allowance hindi lalampas sa Marso 31, 2026, alinsunod sa umiiral na accounting at auditing rules.

Ayon sa pamahalaan, ang hakbang na ito ay bahagi ng mas malawak na adyenda para sa self-sufficiency, economic stability, at pangkalahatang kapakanan ng mga lingkod-bayan sa Bangsamoro.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

Our Visitor

020776
Views Today : 71
Views Yesterday : 129
Views Last 7 days : 649
Views Last 30 days : 3598
Views This Month : 2316
Views This Year : 18178
Total views : 30313