𝐌𝐈𝐋𝐆-𝐁𝐀𝐑𝐌𝐌, 𝐧𝐚𝐠𝐬𝐚𝐠𝐚𝐰𝐚 𝐧𝐠 𝐬𝐢𝐭𝐞 𝐯𝐢𝐬𝐢𝐭𝐚𝐭𝐢𝐨𝐧 𝐩𝐚𝐫𝐚 𝐬𝐚 𝐈𝐭𝐚𝐭𝐚𝐲𝐨𝐧𝐠 𝐝𝐚𝐥𝐚𝐰𝐚𝐧𝐠 𝐩𝐚𝐥𝐚𝐩𝐚𝐠 𝐧𝐚 𝐌𝐮𝐧𝐢𝐜𝐢𝐩𝐚𝐥 𝐇𝐚𝐥𝐥 𝐧𝐠 𝐋𝐢𝐠𝐚𝐰𝐚𝐬𝐚𝐧

Nagsagawa ng site visitation ngayong araw ang Project Management Development Division ng Ministry of the Interior and Local Government (MILG) Regional Office kaugnay ng konstruksyon ng kauna-unahang dalawang palapag na Municipal Hall Building ng Pamahalaang Bayan ng Ligawasan.

Pinangunahan ang pagbisita nina Engr. Sittie Ainee O. Lomondaya, Engr. Abdulbasit Accoy, at Dr. Zaiton L. Abas, na layuning masubaybayan ang progreso ng proyekto at tiyakin ang pagsunod nito sa mga aprubadong plano, teknikal na espesipikasyon, at itinakdang pamantayan sa implementasyon.

Mainit namang sinalubong ang grupo ng MILG ng mga opisyal ng pamahalaang bayan, kabilang sina Municipal Information Officer Akmad Sukarno P. Mama; Engr. Almer M. Acob, Acting Municipal Planning and Development Coordinator (MPDC); Engr. Alibasser M. Omar; PLt Joselito Radam, Acting Chief of Police ng Ligawasan; kasama ang ilang mga hepe ng tanggapan ng munisipyo. Nakiisa rin sa aktibidad sina Municipal Councilor Mama Tingli, Municipal Councilor Abdulgani Manibpal, at Municipal Councilor Riduan Makatidtang.

Ayon sa pamahalaang lokal, ang konstruksyon ng kauna-unahang municipal hall ng Ligawasan ay inaasahang magpapalakas sa paghahatid ng mga serbisyong pampubliko at magbibigay ng mas maayos at angkop na lugar ng trabaho para sa mga kawani ng pamahalaan.

Ang proyektong ito ay bahagi ng patuloy na pagsisikap ng lokal at rehiyonal na pamahalaan upang mapaunlad ang imprastraktura at mapabuti ang kalidad ng serbisyo para sa mamamayan ng Ligawasan.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

Our Visitor

014765
Views Today : 142
Views Yesterday : 58
Views Last 7 days : 1144
Views Last 30 days : 5477
Views This Month : 200
Views This Year : 9213
Total views : 21348