Umabot sa 150 residente ng Barangay Kurintem sa bayan ng Datu Odin Sinsuat ang nakinabang sa isinagawang Ramadhan Mobile Free Market ng United Bangsamoro Justice Party (UBJP), na naglalayong maibsan ang gastusin ng mga pamilya ngayong banal na buwan ng Ramadhan.
Sa pamamagitan ng pamamahagi ng mga de-kalidad na pangunahing bilihin, nabigyan ng konkretong suporta ang mga residente upang makatulong sa kanilang pang-araw-araw na pangangailangan habang isinasabuhay ang pag-aayuno at pagninilay.
Isinagawa ang aktibidad sa pakikipag-ugnayan sa Barangay LGU ng Kurintem sa pangunguna ni Brgy. Chairman Abubakar Akmad. Nagpahayag ng taos-pusong pasasalamat ang mga benepisyaryo sa patuloy na malasakit at inisyatiba ng UBJP at ng lokal na pamahalaan sa pagdadala ng serbisyong direkta sa komunidad.
Patunay ang programa na sa panahon ng Ramadhan, ang diwa ng pagkakaisa at pagbabahagi ay mas lalo pang pinaiigting upang matiyak na walang maiiwan sa pag-abot ng tulong at pag-asa.







Views Today : 159
Views Yesterday : 132
Views Last 7 days : 804
Views Last 30 days : 3677
Views This Month : 1639
Views This Year : 24218
Total views : 36353
Leave a Reply