Isinagawa ngayong Marso 2, 2026 ang unveiling at attestation ceremony ng Drug-Free Workplace Policy ng Pamahalaang Lungsod sa Peopleβs Palace Lobby, isang makasaysayang hakbang sa pagsusulong ng malinis at ligtas na kapaligiran sa trabaho.
Dinaluhan ang seremonya ng mga matataas na opisyal mula sa Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA), Philippine National Police (PNP), mga pinuno ng ibaβt ibang tanggapan ng lungsod, at mga city officialsβpatunay ng matibay na ugnayan at koordinasyon sa laban kontra ilegal na droga.
Layunin ng Drug-Free Workplace Policy na tiyakin ang isang ligtas, malusog, at produktibong working environment para sa lahat ng empleyado ng pamahalaang lungsod. Sa pamamagitan ng polisiya, mas paiigtingin ang preventive measures, awareness campaigns, at koordinasyon sa law enforcement agencies upang mapanatiling drug-free ang mga opisina ng lungsod.
Binigyang-diin sa programa na ang tagumpay laban sa ilegal na droga ay nakasalalay sa kolektibong pagkilos ng pamahalaan at komunidad. Ang inisyatibong ito ay malinaw na patunay ng patuloy na dedikasyon ng Pamahalaang Lungsod ng Cotabato sa pagtataguyod ng isang disiplinado, responsable, at ligtas na lipunan.








Views Today : 89
Views Yesterday : 132
Views Last 7 days : 734
Views Last 30 days : 3607
Views This Month : 1569
Views This Year : 24148
Total views : 36283
Leave a Reply