Pormal nang inilunsad ngayong Marso 2, 2026 ang Fire Prevention Month 2026 sa ginanap na kick-off ceremony sa Provincial Capitol sa Buluan.
Pinangunahan ng Pamahalaang Panlalawigan sa pamamagitan ng Provincial Disaster Risk Reduction and Management Office (PDRRMO), katuwang ang Provincial Planning and Development Office, ang pakikiisa sa taunang pagdiriwang na may temang “Sa Pag-iwas sa Sunog: Hindi Ka Nag-iisa.” Binibigyang-diin ng tema ang kahalagahan ng kolektibong pananagutan at kooperasyon ng komunidad upang maiwasan ang mga insidente ng sunog.
Dumalo rin sa aktibidad ang mga kinatawan ng Philippine National Police – Special Action Force (PNP-SAF) at Bureau of Fire Protection (BFP), sa pangunguna ni Fire Inspection Chief Ronald Ali M. Ampang.
Matapos ang flag ceremony, nagsagawa ng parade ng mga fire truck at ambulansya sa kahabaan ng national highway bilang simbolo ng kahandaan at pagpapalakas ng kampanya para sa fire safety awareness.
Ang buwan ng Marso ay idineklara bilang Fire Prevention Month sa bisa ng Proclamation No. 115-A na nilagdaan ni Ferdinand Marcos Sr. noong 1966, dahil ito ang simula ng tag-init kung kailan naitatala ang pinakamaraming kaso ng sunog.
Patuloy ang panawagan ng pamahalaan sa publiko na maging mapagmatyag at aktibong makiisa sa mga hakbang para sa kaligtasan laban sa sunog sa kani-kanilang komunidad.







Views Today : 26
Views Yesterday : 129
Views Last 7 days : 687
Views Last 30 days : 3645
Views This Month : 2271
Views This Year : 18133
Total views : 30268
Leave a Reply