Muling nagpaabot ng tulong ang Pamahalaang Panlalawigan ng Maguindanao del Sur sa pamamagitan ng pamamahagi ng Hadiyah sa mga residente ng bayan ng Guindulungan ngayong Marso 4, 2026.
Isinagawa ang Hadiyah Distribution sa ilalim ng programang Barakah nu Ramadhan sa Maguindanao del Sur, sa pangunguna ni Datu Ali M. Midtimbang, katuwang ang Provincial Disaster Risk Reduction and Management Office (PDRRMO).
Sa nasabing aktibidad, maayos na naipamahagi ang mga food packs sa mga benepisyaryo bilang karagdagang suporta sa mga pamilya sa panahon ng banal na buwan ng Ramadhan.
Layunin ng programa na maibsan ang pangangailangan ng mga mamamayan habang ginugunita ang espiritu ng pagbabahagi, pagkakaisa, at malasakit sa kapwa sa panahon ng Ramadhan.







Views Today : 103
Views Yesterday : 144
Views Last 7 days : 698
Views Last 30 days : 3546
Views This Month : 1451
Views This Year : 24030
Total views : 36165
Leave a Reply