𝐎𝐕𝐏–𝐁𝐀𝐑𝐌𝐌 𝐍𝐀𝐆𝐇𝐀𝐓𝐈𝐃 𝐍𝐆 𝐒𝐔𝐏𝐎𝐑𝐓𝐀 𝐒𝐀 𝐌𝐆𝐀 𝐌𝐀𝐆-𝐀𝐀𝐑𝐀𝐋 𝐍𝐆 𝐋𝐀𝐍𝐀𝐎 𝐃𝐄𝐋 𝐒𝐔𝐑

Isang makasaysayang araw ang nasaksihan sa bayan ng Bayang matapos magsama-sama ang labing-anim (16) na madrasah sa isang malaking pagtatapos, na sumasalamin sa sipag, tiyaga, at tagumpay ng mga mag-aaral na nagsikap upang maabot ang kanilang pangarap sa edukasyon.

Bilang bahagi ng pagdiriwang, bumisita ang Office of the Vice President – BARMM Satellite Office noong Pebrero 8, 2026 upang magpaabot ng suporta sa mga mag-aaral sa pamamagitan ng pamamahagi ng 450 PagbaBAGo bags na may kasamang school supplies.

Ang pamamahaging ito ay bahagi ng programang PagbaBAGo: A Million Learners Campaign, na naglalayong palakasin ang loob at gabayan ang mga mag-aaral sa kanilang paglalakbay tungo sa mas maliwanag na kinabukasan sa pamamagitan ng edukasyon.

Sa bawat bag na ipinagkaloob, kalakip ang mensahe ng pag-asa at paninindigan na ang edukasyon ang susi sa pag-unlad hindi lamang ng bawat kabataan kundi ng buong komunidad.

Ipinapakita ng inisyatibong ito ang patuloy na pagpapahalaga ng OVP–BARMM Satellite Office sa edukasyon at sa pagpanday ng mas matatag at mas maliwanag na kinabukasan para sa kabataan ng Lanao del Sur.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

Our Visitor

020736
Views Today : 14
Views Yesterday : 129
Views Last 7 days : 675
Views Last 30 days : 3633
Views This Month : 2259
Views This Year : 18121
Total views : 30256