Halos 200 pamilyang Muslim na nag-aayuno ngayong buwan ng Ramadhan ang nakinabang sa isinagawang Ramadhan Mobile Free Market ng United Bangsamoro Justice Party (UBJP) sa Barangay Talitay.
Layunin ng programa na makatulong sa mga pamilyang nangangailangan sa pamamagitan ng pamamahagi ng libreng market goods, lalo na sa panahon ng banal na buwan ng Ramadhan kung kailan tumataas ang pangangailangan sa pagkain at iba pang pangunahing bilihin.
Naging matagumpay ang aktibidad sa tulong ng aktibong pakikipagtulungan sa Office of the Vice Governor ng Maguindanao del Sur sa pangunguna ni Hisham S. Nando, na nagsilbing major sponsor at pangunahing partner para sa linggong ito ng serye ng Mobile Free Market.
Nagpahayag din ng pasasalamat ang UBJP sa Barangay Local Government Unit ng Talitay sa mainit na pagtanggap at pakikiisa ng komunidad sa programa.
Ayon sa UBJP, inaasahan pa ang mga susunod na Mobile Free Market sa iba pang lugar sa lalawigan, katuwang ang Office of the Vice Governor, bilang bahagi ng patuloy na pagsuporta sa mga pamilyang nangangailangan ngayong Ramadhan.








Views Today : 14
Views Yesterday : 129
Views Last 7 days : 675
Views Last 30 days : 3633
Views This Month : 2259
Views This Year : 18121
Total views : 30256
Leave a Reply