ππ€π‘π€πŠπ€π‡ 𝐍𝐔 π‘π€πŒπ€πƒπ‡π€π, ππ€π“π”π‹πŽπ˜ 𝐀𝐍𝐆 ππˆπ˜π€π˜π€ 𝐒𝐀 πŒπ†π€ ππ€π˜π€π 𝐍𝐆 πŒπ€π†π”πˆππƒπ€ππ€πŽ 𝐃𝐄𝐋 𝐒𝐔𝐑

Matagumpay na naisagawa ang Barakah Nu Ramadhan Women’s Symposium Series na dinaluhan ng mga kababaihan mula sa iba’t ibang bayan ng lalawigan, bilang bahagi ng patuloy na pagdiriwang ng banal na buwan ng Ramadhan.

Nagbigay ng makabuluhang talakayan ang mga inimbitahang tagapagsalita na sina Alima Akrima Abdulgapar, Alima Farida Abdulgapar, at Alima Munera Safie, na nagbigay-gabay at inspirasyon sa mga kalahok upang higit pang mapalalim ang kanilang kaalaman at pananampalataya.

Ang serye ng symposium ay suportado ni Datu Ali M. Midtimbang at inorganisa sa pangunguna ni Hisham S. Nando, bilang bahagi ng mga programang naglalayong palakasin ang papel ng kababaihan sa komunidad.

Hindi rin nagpahuli ang kasiyahan sa raffle segment kung saan isang masuwerteng kalahok ang nagwagi ng Free Umrah Package, kasama ang iba pang appliances at grocery packages. Ayon sa mga organizer, mas marami pang kapana-panabik na papremyo ang inaasahan sa mga susunod na gabi ng programa.

Sa diwa ng Ramadhan, nagsilbing paalala ang Women’s Symposium na ang kaalaman at pananampalataya ay patuloy na magsisilbing gabay sa paghubog ng mas matatag na pamilya at komunidad.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

β€œ

Our Visitor

020736
Views Today : 14
Views Yesterday : 129
Views Last 7 days : 675
Views Last 30 days : 3633
Views This Month : 2259
Views This Year : 18121
Total views : 30256