𝟏𝟓𝟎 𝐏𝐀𝐌𝐈𝐋𝐘𝐀 𝐒𝐀 𝐌𝐀𝐍𝐆𝐔𝐃𝐀𝐃𝐀𝐓𝐔 𝐍𝐀𝐊𝐈𝐍𝐀𝐁𝐀𝐍𝐆 𝐒𝐀 𝐑𝐀𝐌𝐀𝐃𝐇𝐀𝐍 𝐌𝐎𝐁𝐈𝐋𝐄 𝐅𝐑𝐄𝐄 𝐌𝐀𝐑𝐊𝐄𝐓

Isa na namang komunidad ang naabot ng Ramadhan Mobile Free Market ng United Bangsamoro Justice Party (UBJP) matapos magsagawa ng pamamahagi ng market goods para sa humigit-kumulang 150 pamilyang Muslim sa Barangay Paitan.

Naging katuwang sa naturang aktibidad ang Office of the Vice Governor ng Maguindanao del Sur sa pamumuno ni Hisham S. Nando.

Layunin ng Mobile Free Market na dalhin ang konsepto ng “padiyan” o palengke mismo sa mga komunidad upang direktang maihatid ang mga pangunahing bilihin sa mga pamilyang nangangailangan, lalo na sa mga nahihirapang makapaghanda ng pagkain para sa iftar sa panahon ng banal na buwan ng Ramadhan.

Sa pamamagitan ng programang ito, mas napapalapit ang tulong sa mga komunidad at mas mabilis na naihahatid ang suporta sa mga mamamayan.

Kaugnay nito, hinihikayat din ng UBJP ang mga miyembro ng partido na may kakayahan na magsagawa ng Mobile Free Market sa kani-kanilang lugar upang mas marami pang komunidad ang maabot ng ganitong uri ng serbisyo at malasakit sa panahon ng Ramadhan.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

Our Visitor

024935
Views Today : 108
Views Yesterday : 103
Views Last 7 days : 854
Views Last 30 days : 3498
Views This Month : 1312
Views This Year : 23891
Total views : 36026