Isang mahalagang hakbang para sa pagpapaunlad ng edukasyon sa Maguindanao del Sur ang pormal na pagsisimula ng konstruksyon ng dalawang palapag na gusali ng Eastern Kutawato Islamic Institute Inc., na pinangunahan ni Hisham S. Nando sa isinagawang groundbreaking ceremony noong Marso 9, 2026.
Ang nasabing proyekto ay inaasahang magbibigay ng mas maayos at modernong pasilidad sa pag-aaral para sa mga mag-aaral ng institusyon, bilang bahagi ng patuloy na pagsisikap na palakasin ang kalidad ng Islamic at akademikong edukasyon sa lalawigan.
Dumalo rin sa seremonya ang mga opisyal ng paaralan kabilang sina Engr. Nemia K. Nando, School President ng institusyon, at Principal Datuali M. Dimalanas, na kapwa nagpahayag ng pasasalamat sa patuloy na suporta ng pamahalaan sa mga institusyong pang-edukasyon.
Sa kanyang mensahe, binigyang-diin ni Vice Governor Nando na ang edukasyon ay nananatiling pangunahing prayoridad ng pamahalaang panlalawigan sa ilalim ng pamumuno ni Datu Ali M. Midtimbang.
Nagpaabot din siya ng pasasalamat sa pamahalaang Bangsamoro, partikular kina ICM Abdulraof A. Macacua at MBHTE Minister Mohagher M. Iqbal, para sa patuloy na pagsuporta sa mga programang naglalayong palakasin ang edukasyon sa rehiyon.
Ayon kay Vice Governor Nando, ang pagtatayo ng bagong gusali ay hindi lamang pagpapalawak ng pasilidad kundi isang pamumuhunan sa kinabukasan ng kabataan, na siyang magiging susunod na henerasyon ng mga lider at tagapagtaguyod ng kaunlaran sa Bangsamoro.








Views Today : 14
Views Yesterday : 129
Views Last 7 days : 675
Views Last 30 days : 3633
Views This Month : 2259
Views This Year : 18121
Total views : 30256
Leave a Reply