Malaking tulong sa pagpapalakas ng serbisyong pangkalusugan sa Bangsamoro ang natanggap na PhP 9.6 milyon (US$167,000) halaga ng biomedical, laboratory, at oxygen-related equipment at supplies ng Ministry of Health – Bangsamoro Autonomous Region in Muslim Mindanao (MOH–BARMM) mula sa Embassy of the United States sa Pilipinas.
Ayon sa MOH–BARMM, ang mga kagamitang ito ay ipapamahagi sa siyam (9) na pampublikong ospital sa iba’t ibang bahagi ng Bangsamoro upang higit na mapalakas ang kakayahan ng mga health facility na makapigil, makadetect, at makaresponde sa iba’t ibang banta sa kalusugan.
Nagpahayag naman ng taos-pusong pasasalamat si Deputy Health Minister Dr. Abas sa patuloy na suporta at pakikipagtulungan ng pamahalaan ng Estados Unidos. Ayon sa kanya, ang tulong na ito ay patunay ng malakas na partnership na patuloy na naglalayong palakasin ang kalusugan, kaligtasan, at katatagan ng mga komunidad sa Bangsamoro.
Sa pamamagitan ng mga life-saving equipment na ito, inaasahang mas mapapabuti ang serbisyong medikal sa mga pampublikong ospital, lalo na sa mga komunidad na nangangailangan ng agarang at de-kalidad na serbisyong pangkalusugan.
Binigyang-diin din ng MOH–BARMM na ang ganitong uri ng suporta ay mahalagang hakbang upang matiyak na ang mahahalagang serbisyong pangkalusugan ay patuloy na maihahatid sa mga mamamayan, kasabay ng pagpapalakas ng health security sa buong rehiyon.








Views Today : 12
Views Yesterday : 129
Views Last 7 days : 673
Views Last 30 days : 3631
Views This Month : 2257
Views This Year : 18119
Total views : 30254
Leave a Reply