ππ€π‘πŒπŒ π†πŽπ•β€™π“ πŠπˆπŠπˆπ‹πŽπ’ 𝐒𝐀 𝐀𝐋𝐋𝐄𝐆𝐄𝐃 π€πˆπƒ πˆπ‘π‘π„π†π”π‹π€π‘πˆπ“π˜; πŽππŒπ”π’π‚ ππˆπ‹πˆππ€π–: β€˜π‡πˆππƒπˆ π†π€π‹πˆππ† 𝐒𝐀 π€πŒπˆπ 𝐀𝐍𝐆 β‚±πŸ‘πŸ,πŸ“πŸŽπŸŽβ€™π’π€ πŠπ”πŒπ€πŠπ€π‹π€π“ 𝐍𝐀 π‘π„πŠπ‹π€πŒπŽ

Matapos maging sentro ng usap-usapan sa social media ang isang post ng kapwa Bangsamoro kaugnay sa benepisyo ng kanyang manugang na umano’y dapat umabot sa β‚±63,000 ngunit β‚±31,500 lamang ang natanggap, agad na umani ng pansin ang isyu sa pamamahagi ng tulong pinansyal para sa mga Bangsamoro Veteran Mujahideen.

Dahil dito, nangako si Abdulraof Macacua, Chief Minister ng Bangsamoro Autonomous Region in Muslim Mindanao (BARMM), na paiimbestigahan ang umano’y iregularidad sa distribusyon ng tulong pinansyal matapos lumabas ang reklamo ng isang netizen sa social media. Ayon sa naturang post, may ilang benepisyaryo umano na nakatanggap lamang ng β‚±31,500 mula sa β‚±63,000 na tulong na inilaan para sa bawat beteranoβ€”isang alegasyong nagdulot ng pangamba na halos kalahati ng benepisyo ay maaaring hindi nakarating sa mga tunay na benepisyaryo.

Gayunman, matapos ipahayag ang planong imbestigasyon, binura na ang naturang post sa social media.

Samantala, naglabas ng opisyal na pahayag ang Office of the Bangsamoro Mujahideen Under Special Circumstance (OBMUSC) upang linawin ang isyu. Ayon sa kanilang advisory, nagsagawa ang tanggapan ng pamamahagi ng tulong pinansyal sa Cotabato City mula Marso 2 hanggang Marso 5, 2026 para sa mga kwalipikadong Bangsamoro Veteran Mujahideen.

Sa isinagawang agarang imbestigasyon, natukoy ng OBMUSC na may isang benepisyaryo na nakatanggap ng β‚±31,500, subalit ayon sa kanilang pagsusuri, hindi mula sa opisina ng OBMUSC ang naturang halaga. Nabatid din na natukoy na ng tanggapan ang benepisyaryong biktima at ang taong umano’y responsable sa insidente.

Sa kasalukuyan, pinag-aaralan na ng tanggapan ang mga posibleng legal na hakbang laban sa sinumang mapapatunayang sangkot sa naturang pangyayari.

Binigyang-diin ng OBMUSC na patuloy nitong pinoprotektahan ang integridad ng programa para sa mga Bangsamoro Veteran Mujahideen at hindi nito kinukunsinti ang anumang uri ng pananamantala laban sa mga benepisyaryo. Pinayuhan din ang mga benepisyaryo na agad makipag-ugnayan sa tanggapan kung may nakaranas ng sapilitang pagbabawas o iregularidad sa natanggap na tulong.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

β€œ

Our Visitor

020857
Views Today : 47
Views Yesterday : 153
Views Last 7 days : 703
Views Last 30 days : 3598
Views This Month : 2445
Views This Year : 18307
Total views : 30442