𝐂𝐎𝐔𝐑𝐓𝐄𝐒𝐘 𝐕𝐈𝐒𝐈𝐓 𝐍𝐆 𝐓𝐀𝐍𝐆𝐆𝐀𝐏𝐀𝐍 𝐍𝐈 𝐁𝐓𝐀 𝐌𝐄𝐌𝐁𝐄𝐑 𝐀𝐓𝐓𝐘. 𝐀𝐌𝐁𝐎𝐋𝐎𝐃𝐓𝐎: 𝐒𝐔𝐏𝐎𝐑𝐓𝐀 𝐒𝐀 𝐌𝐆𝐀 𝐇𝐀𝐊𝐁𝐀𝐍𝐆 𝐓𝐔𝐍𝐆𝐎 𝐒𝐀 𝐏𝐀𝐆-𝐔𝐍𝐋𝐀𝐃 𝐍𝐆 𝐒𝐎𝐔𝐓𝐇 𝐔𝐏𝐈

Isang makabuluhang pagpupulong ang isinagawa mula sa tanggapan ni BTA member at Deputy Floor Leader MP Atty. Suharto ‘Teng’ M. Ambolodto MNSA sa ginanap na courtesy visit ng mga kinatawan nito sa  tanggapan ni South Upi Mayor Helen Benito-Padua.

Layunin ng pagbisita na ito na tuklasin ang mga posibleng mga hakbangin tungo sa pakikipagtulungan at suporta sa mga lokal na pag-unlad.

Ibinahagi ng Alkalde ang mga prayoridad sa pagpapaunlad ng kanyang administrasyon, kabilang ang isang plano na isulong ang  Teduray weaving textiles bilang isang oportunidad sa kabuhayan at isang paraan ng pagpapanatili ng kultura na pamana ng komunidad ng teduray.

dagdag pa nito, patuloy ang paghahanda para sa weaving project, kung saan isinasagawa ang mga paunang talakayan sa mga partners nito.

Tinalakay din sa pulong ang posibleng pagsasagawa ng Mobile Blood Donation Program sa munisipyo bilang bahagi ng pagsisikap na palakasin ang mga hakabangin sa kalusugan ng komunidad.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

Our Visitor

020727
Views Today :
Views Yesterday : 129
Views Last 7 days : 661
Views Last 30 days : 3619
Views This Month : 2245
Views This Year : 18107
Total views : 30242