
Bilang bahagi ng patuloy na pamamahagi ng libreng iftar mula sa tanggapan ni Cotabato City Vice Mayor Johair Madag nakatanggap din ang Masjid Dalidig ng Mother Barangay Bagua kahapon araw ng miyerkules Marso 11,2026.
Ang nasabing programa ay mula sa inisyatiba ng tanggapan ng Bise-alkalde katuwang ang Alkalde ng lungsod na si Mayor Para Sa Lahat Mohamad Ali ‘Bruce’ Matabalao na patuloy ang suporta sa mga ganitong programa.
Layunin ng programa ito na maipakita ang diwa at malasakit sa panahon ng banal na buwan ng ramadhan.
Samantala magpapatuloy ang pamamahagi ng libreng iftar sa mga susunod na araw sa iba’t-iba pang lugar sa lungsod ng Cotabato City.






Views Today : 75
Views Yesterday : 71
Views Last 7 days : 825
Views Last 30 days : 3428
Views This Month : 1176
Views This Year : 23755
Total views : 35890
Leave a Reply