Diniskwalipika ng Commission on Elections (COMELEC) First Division si Bobsteel Sinsuat bilang Bise Alkalde ng Datu Odin Sinsuat matapos pagbigyan ang petisyon para sa kanyang diskwalipikasyon.
Sa inilabas na resolusyon na may petsang Marso 13, 2026, pinaboran ng COMELEC ang petisyon na inihain ni Datu Sajid S. Sinsuat laban kay Sinsuat.
Ayon sa desisyon ng First Division, napatunayang lumabag si Bobsteel Sinsuat sa Section 261(e) ng Omnibus Election Code. na may kaugnayan sa mga ipinagbabawal na gawain sa panahon ng halalan. Dahil dito, itinuring siyang may pananagutan sa election offense na nagresulta sa kanyang diskwalipikasyon.
Dahil sa hatol, idiniskwalipika si Sinsuat sa paghawak ng posisyon bilang Bise Alkalde ng Datu Odin Sinsuat, isang bayan na nagsisilbing kabisera ng Maguindanao del Norte.
Ang resolusyon ay nilagdaan nina Presiding Commissioner Aimee P. Ferolino, at Commissioners Ernesto Ferdinand P. Maceda Jr. at Maria Norina S. Tangaro-Casingal.
Sa kasalukuyan, maaari pang umapela ang respondent sa COMELEC en banc upang muling suriin ang naging desisyon ng First Division








Views Today : 33
Views Yesterday : 65
Views Last 7 days : 821
Views Last 30 days : 3452
Views This Month : 1063
Views This Year : 23642
Total views : 35777
Leave a Reply