Nakatanggap ng agarang tulong ang mga pamilyang naapektuhan ng sunog sa Barangay Pagatin, Datu Salibo matapos magsagawa ng relief distribution ang Provincial Disaster Risk Reduction and Management Office (PDRRMO) katuwang ang MDRRMO at lokal na pamahalaan.
Kabilang sa mga ipinamahaging tulong ang cash assistance, family kits, cooking kits, children kits, hygiene kits, at sari-sari store start-up packages na layong matugunan ang pangunahing pangangailangan ng mga biktima.
Ayon sa mga awtoridad, ang inisyatibong ito ay bahagi ng agarang pagtugon upang matulungan ang mga apektadong pamilya na makabangon at muling makapagsimula matapos ang pinsalang dulot ng sunog.








Views Today : 119
Views Yesterday : 87
Views Last 7 days : 651
Views Last 30 days : 3609
Views This Month : 2235
Views This Year : 18097
Total views : 30232
Leave a Reply