Nagpaabot ng mensahe ng pagbati at pagkakaisa si Al Haj Murad Ebrahim, Chairman ng Moro Islamic Liberation Front Central Committee at Pangulo ng United Bangsamoro Justice Party, sa pagdiriwang ng Eid’l Fitr 1447 AH na hudyat ng pagtatapos ng banal na buwan ng Ramadhan.
Sa kanyang mensahe, binigyang-diin niya ang kahalagahan ng pagpapanatili ng mga aral ng Ramadhan tulad ng habag, pagtitiyaga, at pagbibigay, na nagsisilbing gabay sa paghubog ng mas mabuting indibidwal at mas matatag na komunidad ng Bangsamoro.
Hinimok din niya ang mamamayang Bangsamoro na patuloy na isabuhay ang mga pagpapahalagang natutunan sa Ramadhan sa kanilang pang-araw-araw na buhay, at sama-samang itaguyod ang isang mapayapa at maunlad na lipunan na nakabatay sa prinsipyo ng moral governance.
Binigyang-diin pa niya ang kahalagahan ng pagkakaisa at pagtutulungan sa kabila ng pagkakaiba-iba, upang maisulong ang isang Bangsamorong nakabatay sa hustisya, pagkakapantay-pantay, at paggalang sa bawat isa.
Sa pagtatapos, nanalangin siya na tanggapin ng Allah (SWT) ang mga sakripisyo at panalangin ng bawat isa, at nawa’y patuloy na gabayan ang Bangsamoro tungo sa landas ng kapayapaan, kaunlaran, at pagkakaisa.






Views Today : 107
Views Yesterday : 87
Views Last 7 days : 639
Views Last 30 days : 3597
Views This Month : 2223
Views This Year : 18085
Total views : 30220
Leave a Reply