Naglabas ng paglilinaw si Zul Qarneeyn M. Abas kaugnay ng kumakalat na social media post na umanoβy naglalaman ng maling impormasyon hinggil sa isang pulong na dinaluhan ng ilang opisyal ng United Bangsamoro Justice Party.
Ayon kay Abas, ang nasabing pagtitipon ay pinangunahan ni Al Haj Murad Ebrahim at maayos na naitala sa pamamagitan ng opisyal na minutes of the meeting na maaaring i-review sa UBJP Secretariat. Aniya, kinatawan ng ibaβt ibang antas ng pamunuan ang pulong, habang ang mga hindi nakadalo ay nagpadala ng kani-kanilang kinatawan.
Nilinaw rin niya na ang naging desisyon sa pulong ay bunga ng kolektibong konsultasyon o shura, kung saan hindi pinaboran ang mungkahing i-centralize ang pamamahala sa iisang grupo. Sa halip, ipinamahagi ang mga tungkulin sa mga regional officials at isinunod ang mga hakbang sa umiiral na Constitution and By-Laws ng organisasyon.
Mariin ding itinanggi ni Abas ang mga alegasyon na may tinanggal na lider, at ipinaliwanag na ang nangyari ay simpleng realignment lamang ng mga tungkulin batay sa napagkasunduan ng grupo.
Dagdag pa niya, may mga hindi umano nasiyahan sa ilang pananaw na inilahad sa pulong, na posibleng nagresulta sa maling interpretasyon at pagpapakalat ng hindi kumpletong impormasyon sa ibang lider.
Sa kabila nito, binigyang-diin ni Abas na naging maayos ang pagtatapos ng pulong at nananatiling buo ang organisasyon. Aniya, hindi maiiwasan ang ganitong isyu lalo na sa nalalapit na halalan, kung saan may mga tangkang maghasik ng pagkakawatak-watak sa hanay ng UBJP.
Hinimok din niya ang publiko na maging mapanuri at alamin ang buong konteksto ng mga impormasyon bago magbigay ng konklusyon.








Views Today : 116
Views Yesterday : 87
Views Last 7 days : 648
Views Last 30 days : 3606
Views This Month : 2232
Views This Year : 18094
Total views : 30229
Leave a Reply