Dumulog sa tanggapan ni Abdulmain “BABA” Abas ang mga driver ng Vanette (TownAce) ng Team Kasaligan noong Marso 23, 2026 upang iparating ang kanilang mga hinaing kaugnay ng patuloy na pagtaas ng presyo ng gasolina.
Ayon sa mga driver, lubos na naapektuhan ang kanilang hanapbuhay dahil sa mataas na gastos sa krudo, na nagpapahirap sa kanilang kumita ng sapat para sa pang-araw-araw na pangangailangan.
Agad namang tumugon ang alkalde at personal na pinakinggan ang kanilang mga saloobin. Sa pamamagitan ng maayos na dayalogo at agarang aksyon ng lokal na pamahalaan, nakahanap ng kaukulang solusyon upang maibsan ang kanilang suliranin.
Ipinakita ng nasabing hakbang ang kahalagahan ng bukas na komunikasyon sa pagitan ng pamahalaan at mamamayan, gayundin ang patuloy na pagsisikap ng lokal na pamahalaan na tugunan ang mga isyung pangkabuhayan ng komunidad







Views Today : 54
Views Yesterday : 81
Views Last 7 days : 917
Views Last 30 days : 3518
Views This Month : 1019
Views This Year : 23598
Total views : 35733
Leave a Reply