Tinalakay ng pamahalaang Bangsamoro ang pagpapatupad ng mga hakbang laban sa patuloy na pagtaas ng presyo ng langis matapos ang isinagawang Bangsamoro Government Executive–Legislative Forum 2026 kahapon, March 23, 2026.
Pinangunahan ni Bangsamoro Autonomous Region in Muslim Mindanao (BARMM) Chief Minister Abdulraof Macacua ang pagtutulak ng agarang solusyon sa pamamagitan ng pagbuo ng isang special task force na inatasang maglatag at magpatupad ng mga konkretong hakbang sa loob ng dalawang linggo. Layunin nitong maibsan ang epekto ng oil price hike sa sektor ng transportasyon at sa mga pamilyang higit na apektado.
Ayon kay Macacua, kabilang sa mga prayoridad na hakbang ang pagbibigay ng fuel subsidy sa mga transport operator, tulong pinansyal sa mga bulnerableng sektor, mahigpit na pagbabantay sa presyo upang maiwasan ang hoarding, at ang mabilis na paglalaan ng pondo para sa mga emerhensiya.
Samantala, binigyang-diin ni Bangsamoro Transition Authority (BTA) Floor Leader John Anthony Lim na pinag-aaralan ng rehiyon ang direktang pag-angkat ng langis mula sa Malaysia at Brunei bilang pangmatagalang solusyon upang matiyak ang mas matatag at sapat na suplay ng petrolyo.
Ipinakita rin sa forum ang pangangailangan ng mas mahigpit na koordinasyon sa pagitan ng regional government at mga lokal na pamahalaan upang masigurong mabilis na naipapatupad ang mga polisiya at nararamdaman ang epekto nito sa komunidad.







Views Today : 107
Views Yesterday : 87
Views Last 7 days : 639
Views Last 30 days : 3597
Views This Month : 2223
Views This Year : 18085
Total views : 30220
Leave a Reply