𝐕𝐎𝐓𝐄𝐑 𝐀𝐖𝐀𝐑𝐄𝐍𝐄𝐒𝐒 𝐃𝐑𝐈𝐕𝐄, 𝐏𝐈𝐍𝐀𝐍𝐆𝐔𝐍𝐆𝐔𝐍𝐀𝐇𝐀𝐍 𝐍𝐆 𝐌𝐆𝐀 𝐘𝐎𝐔𝐓𝐇 𝐋𝐄𝐀𝐃𝐄𝐑𝐒

Nagtipon ang 45 kabataang lider mula sa iba’t ibang bahagi ng Bangsamoro Autonomous Region in Muslim Mindanao para sa limang araw na voter education workshop na naglalayong palakasin ang partisipasyon ng kabataan sa proseso ng halalan sa rehiyon.

Isinagawa mula Marso 23 hanggang 27, 2026, ang Voter’s Education and Communication Materials Ideation Workshop for Bangsamoro Youth sa pangunguna ng United Nations Development Programme, kung saan nagtipon ang mga youth representatives mula sa iba’t ibang lalawigan at lungsod upang bumuo ng mga estratehiya para sa mas malawak at makabuluhang pakikilahok sa eleksyon.

Layunin ng programa na palalimin ang kaalaman ng mga kalahok hinggil sa kahalagahan ng pagboto bilang karapatan at responsibilidad ng bawat mamamayan. Ipinakilala rin ang mga konsepto kaugnay ng digitalization ng electoral system sa Bangsamoro upang maibahagi ng kabataan ang kaalamang ito sa kanilang mga komunidad.

Bilang bahagi ng workshop, inatasan ang mga kalahok na lumikha ng mga information, education, and communication (IEC) materials na nakatuon sa voter awareness. Ang mga ito ay sasailalim sa pagsusuri ng Commission on Elections at UNDP bago ipalaganap sa mahigit 2,400 barangay sa buong rehiyon.

Sa pagbubukas ng programa, kinatawan ni Project Development Officer I Aira Hazna Ampatuan si Chairperson Nasserudin D. Dunding, kung saan binigyang-diin ang mahalagang papel ng kabataan sa pagtataguyod ng isang inklusibo at kapani-paniwalang electoral process.

Ang nasabing aktibidad ay bahagi ng proyektong naglalayong pataasin ang voter awareness at isulong ang digitalization ng electoral system sa Bangsamoro, na pinondohan ng Embassy of Japan at ipinatutupad ng UNDP katuwang ang COMELEC.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

Our Visitor

020711
Views Today : 107
Views Yesterday : 87
Views Last 7 days : 639
Views Last 30 days : 3597
Views This Month : 2223
Views This Year : 18085
Total views : 30220