𝐌𝐈𝐃𝐓𝐈𝐌𝐁𝐀𝐍𝐆 𝐀𝐃𝐌𝐈𝐍𝐈𝐒𝐓𝐑𝐀𝐓𝐈𝐎𝐍, 𝐏𝐈𝐍𝐀𝐋𝐀𝐋𝐀𝐊𝐀𝐒 𝐀𝐍𝐆 𝐄𝐃𝐔𝐊𝐀𝐒𝐘𝐎𝐍 𝐒𝐀 𝐌𝐆𝐀 𝐋𝐈𝐁𝐋𝐈𝐁 𝐍𝐀 𝐊𝐎𝐌𝐔𝐍𝐈𝐃𝐀𝐃

Matagumpay na naisakatuparan ng Pamahalaang Panlalawigan ng Maguindanao del Sur ang Makeshift Classroom Project para sa mga mag-aaral ng Datu Langalen Matagmama Elementary School sa Barangay Lumabao, General Salipada K. Pendatun.

Ang inisyatibong ito ay bahagi ng adbokasiya ng lalawigan sa ilalim ng programang “The GiveHEART” at “Serbisyong may Puso,” na naglalayong tiyakin na ang bawat bata ay may ligtas at maayos na kapaligiran para sa pagkatuto, lalo na sa mga komunidad na may kakulangan sa pasilidad.

Sa pamamagitan ng proyekto, naitayo ang mga makeshift classroom upang mabawasan ang siksikan sa mga silid-aralan. Naglaan din ng mga upuan para sa mga mag-aaral, nagtayo ng bagong comfort room para sa kalinisan at kalusugan, at nagsagawa ng mga pagpapabuti sa bentilasyon at kisame upang maging mas komportable ang learning environment.

Pinangunahan ang inisyatibo ng tanggapan ni Datu Ali Midtimbang, bilang bahagi ng patuloy na pagsisikap ng lalawigan na palakasin ang sektor ng edukasyon at maghatid ng serbisyong may malasakit at agarang aksyon.

Ayon sa pamahalaang panlalawigan, ang mga simpleng hakbang na ito ay may malaking ambag sa paghubog ng kinabukasan ng kabataan, kasabay ng layuning makapagbigay ng mas maliwanag na bukas para sa bawat batang Maguindanaon

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

Our Visitor

020696
Views Today : 87
Views Yesterday : 87
Views Last 7 days : 619
Views Last 30 days : 3577
Views This Month : 2203
Views This Year : 18065
Total views : 30200