Naglabas ng Executive Order ang Pamahalaang Panlalawigan ng Maguindanao del Sur na nag-uutos sa lahat ng tanggapan, ahensya, at instrumentalities na magpatupad ng mga hakbang sa pagtitipid ng enerhiya upang mapataas ang efficiency, mabawasan ang gastusin, at masiguro ang sustainable na operasyon ng pamahalaan.
Kabilang sa mga pangunahing probisyon ang pagpapatupad ng energy-saving protocols, paggamit ng flexible work arrangements tulad ng four-day compressed workweek o work-from-home schedules, at mahigpit na pagsunod sa target na pagbawas ng konsumo sa kuryente at fuel ng hindi bababa sa 10% hanggang 20%.
Inaatasan din ang lahat ng opisina na tiyakin ang tuloy-tuloy na paghahatid ng mahahalagang serbisyo publiko at magsumite ng regular na ulat para sa monitoring at evaluation ng implementasyon.
Samantala, ipatutupad ang modified work schedule na Lunes hanggang Huwebes, 7:00 AM hanggang 5:00 PM, na magsisimula matapos ang Eid’l Fitr 2026.
Hinihikayat ng pamahalaang panlalawigan ang lahat ng stakeholder na makiisa at suportahan ang mga hakbang na ito tungo sa mas episyente, responsibo, at makakalikasang pamamahala.







Views Today : 87
Views Yesterday : 87
Views Last 7 days : 619
Views Last 30 days : 3577
Views This Month : 2203
Views This Year : 18065
Total views : 30200
Leave a Reply