Posibleng tumaas nang hanggang 25% ang gastos para sa nalalapit na parliamentary elections sa Bangsamoro Autonomous Region in Muslim Mindanao dahil sa patuloy na tensyon at posibleng matagalang digmaan sa Middle East, ayon sa Commission on Elections (Comelec).
Ayon kay Comelec Chairman George Erwin Garcia, inaasahang magdudulot ng pagtaas sa presyo ng petrolyo ang sitwasyon, na direktang makaaapekto sa logistics at supply costs—mga kritikal na bahagi ng paghahanda para sa halalan.
Tinatayang maaaring umabot sa 25% o higit pa ang pagtaas ng kabuuang gastos, lalo na kung magpapatuloy ang tensyon hanggang sa itinakdang halalan sa Setyembre 14, 2026.
Ipinaliwanag ni Garcia na ang mga election materials tulad ng automated machines at official ballots ay kailangang ihatid sa iba’t ibang bahagi ng Bangsamoro sa pamamagitan ng land at sea transport, kung saan mas mataas ang gastusin sa gasolina.
Sa kasalukuyan, inaasahang tataas ng hindi bababa sa 20% ang logistics expenses, habang ang supply costs ay maaaring umabot sa 20 hanggang 25% na pagtaas. Dahil dito, inamin ng Comelec na maaaring hindi sapat ang kanilang kasalukuyang budget para matustusan ang lahat ng pangangailangan ng halalan.








Views Today : 32
Views Yesterday : 81
Views Last 7 days : 895
Views Last 30 days : 3496
Views This Month : 997
Views This Year : 23576
Total views : 35711
Leave a Reply