𝐅𝐔𝐄𝐋 𝐒𝐔𝐁𝐒𝐈𝐃𝐘 𝐏𝐀𝐑𝐀 𝐒𝐀 𝐏𝐔𝐕 𝐃𝐑𝐈𝐕𝐄𝐑𝐒 𝐀𝐓 𝐎𝐏𝐄𝐑𝐀𝐓𝐎𝐑𝐒, 𝐒𝐈𝐍𝐈𝐌𝐔𝐋𝐀𝐍 𝐍𝐀

Sinimulan na ngayong Martes, March 24, 2026 ang pamamahagi ng fuel subsidy para sa mga driver at operator ng public utility vehicles (PUVs) bilang tugon sa patuloy na pagtaas ng presyo ng langis.

Ayon sa Department of Transportation at Department of Social Welfare and Development, layunin ng programa na mabawasan ang epekto ng oil price hike sa sektor ng transportasyon at matulungan ang mga apektadong manggagawa.

Sa ilalim ng programa, makatatanggap ang mga operator ng subsidiya depende sa uri ng sasakyan: umaabot sa ₱10,000 kada unit para sa mga bus, modern jeep, at UV Express; ₱9,000 para sa minibus; ₱5,000 para sa school transport, traditional UV Express, traditional jeep, at filcab; at ₱2,000 para sa taxi. Samantala, ang mga driver ay makatatanggap ng tulong pinansyal na mula ₱1,500 hanggang ₱5,000 depende sa uri ng sasakyan na kanilang minamaneho.

Maaaring matanggap ang subsidy sa pamamagitan ng fuel subsidy cards, bank o e-wallet transfer, gayundin sa anyong cash o tseke, kung saan sasagutin ng pamahalaan ang mga kaukulang convenience fees upang mapadali ang distribusyon.

Saklaw ng programa ang daan-libong benepisyaryo sa buong bansa at bahagi ito ng patuloy na hakbang ng pamahalaan upang maibsan ang epekto ng pagtaas ng presyo ng petrolyo at matiyak ang tuloy-tuloy na operasyon ng pampublikong transportasyon.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

Our Visitor

020689
Views Today : 73
Views Yesterday : 87
Views Last 7 days : 605
Views Last 30 days : 3563
Views This Month : 2189
Views This Year : 18051
Total views : 30186