“𝐊𝐚𝐬𝐚𝐦𝐚 𝐬𝐢 𝐁𝐚𝐛𝐚 𝐤𝐚𝐧𝐢𝐧𝐚 𝐬𝐚 𝐦𝐞𝐞𝐭𝐢𝐧𝐠 – 𝐦𝐢𝐬𝐦𝐨𝐧𝐠 𝐬𝐢 𝐌𝐈𝐋𝐅 𝐂𝐡𝐚𝐢𝐫𝐦𝐚𝐧 𝐚𝐧𝐠 𝐧𝐚𝐠-𝐩𝐫𝐞𝐬𝐢𝐝𝐞” 𝐃𝐞𝐞𝐝𝐚𝐭

Umingay sa social media ang panibagong usapin kaugnay ng inilabas na paalala ng Moro Islamic Liberation Front (MILF), matapos kumalat ang isang post na kumukwestyon sa pagiging lehitimo nito. Ayon sa naturang post, hindi umano direktang nagmula sa MILF Chairman ang inilabas na pahayag dahil kasalukuyan itong nasa ibang bansa. Dahil dito, pinagdudahan ang kredibilidad at awtoridad ng naturang “Notice to the Public.” Gayunman, agad itong pinabulaanan ng isa sa mga anak ng miyembro ng MILF Central Committeee na at MOTC Deputy Minister Deedat Midtimbang Abbas na nagsabing personal niyang nakumpirma ang detalye mula sa kanyang ama na kabilang umano sa dumalong mga opisyal sa isinagawang pulong ng MILF Central Committee. Ayon sa kanya, mismong ang MILF Chairman ang nag-preside sa naturang pagpupulong sa pamamagitan ng online platform o Zoom, sa kabila ng kanyang pananatili sa labas ng bansa. Matatandaang nauna nang iginiit ng MILF na ang United Bangsamoro Justice Party (UBJP) lamang ang kanilang kinikilalang opisyal na partidong pampulitika, at nagbabala laban sa mga di-awtorisadong inisyatiba na maaaring magdulot ng kalituhan sa hanay ng kanilang mga kasapi at tagasuporta.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

Our Visitor

020696
Views Today : 86
Views Yesterday : 87
Views Last 7 days : 618
Views Last 30 days : 3576
Views This Month : 2202
Views This Year : 18064
Total views : 30199