Dalawang katao ang nasugatan sa panibagong insidente ng pamamaril sa Barangay Baital, Rajah Buayan nitong gabi.
Kinilala ang mga biktima na sina Asrap Upam at Anton Mamalinta, na kapwa tinamaan matapos pagbabarilin ng mga hindi pa nakikilalang suspek.
Batay sa paunang imbestigasyon, sakay ng isang motorsiklo ang mga biktima nang ratratin sila ng mga armado gamit ang pinaniniwalaang high-powered firearms, kabilang ang caliber 7.62mm rifle at M16 armalite.
Patuloy ang isinasagawang imbestigasyon ng mga awtoridad upang matukoy ang pagkakakilanlan ng mga salarin at ang motibo sa likod ng insidente.







Views Today : 48
Views Yesterday : 49
Views Last 7 days : 932
Views Last 30 days : 3569
Views This Month : 932
Views This Year : 23511
Total views : 35646
Leave a Reply