Nagpulong ang mga lider ng Maguindanao del Sur sa Maguindanao Provincial Police Office upang pag-usapan ang mga agarang hakbang kasunod ng ambush incident na ikinasawi ng limang pulis at ikinasugat ng tatlo.
Pinangunahan ni Maguindanao Del Sur Governor Datu Ali M. Midtimbang ang pagpupulong at personal na pagbisita sa pinangyarihan ng krimen, kasama ang iba pang lokal na opisyal, bilang bahagi ng mas pinaigting na pagtugon ng pamahalaan.
Sa naturang pagpupulong, binigyang-diin ang pagpapalakas ng seguridad sa lalawigan at ang patuloy na pakikiramay sa mga pamilya ng mga nasawing alagad ng batas.
Samantala, patuloy ang masusing imbestigasyon ng mga awtoridad upang matukoy ang mga salarin at matiyak ang kanilang pananagutan sa ilalim ng batas.








Views Today : 47
Views Yesterday : 153
Views Last 7 days : 703
Views Last 30 days : 3598
Views This Month : 2445
Views This Year : 18307
Total views : 30442
Leave a Reply