Binisita nina Datu Nur-Ali U. Midtimbang at Jomar Midtimbang ang mga sugatang pulis na biktima ng ambush sa Shariff Aguak, gayundin ang isang sugatang indibidwal mula sa Rajah Buayan.
Sa kanilang pagbisita, personal na inabot ng mga opisyal ang tulong sa apat na nasugatan bilang bahagi ng agarang suporta ng pamahalaang panlalawigan sa mga biktima.
Ayon sa pamahalaan, patuloy ang kanilang pagtutok sa pagbibigay ng tulong at pag-alalay sa mga naapektuhan ng mga insidente, bilang bahagi ng kanilang malasakit at serbisyong publiko.







Views Today : 107
Views Yesterday : 87
Views Last 7 days : 639
Views Last 30 days : 3597
Views This Month : 2223
Views This Year : 18085
Total views : 30220
Leave a Reply