Isinasagawa na ang site validation para sa 2025 Road Rehabilitation Project sa Ligawasan, bilang bahagi ng patuloy na pagpapalakas ng imprastraktura ng lokal na pamahalaan sa ilalim ng 20% Development Fund.
Saklaw ng validation ang Buliok to Barungis Boundary Road, isang 700-metrong proyekto na inaasahang magpapabuti sa accessibility, mobility, at konektibidad ng mga komunidad sa nasabing lugar. Sa oras na maisakatuparan, matagal nang hinihintay ng mga residente ang pagkakaroon ng maayos na kalsada na magbibigay sa kanila ng mas mabilis at ligtas na pagbiyahe.
Layunin ng site validation na matiyak na ang proyekto ay naaayon sa pangangailangan ng komunidad at pumapasa sa itinakdang pamantayan. Higit pa rito, sinisiguro rin na ang rehabilitasyon ng kalsada ay direktang makatutugon sa matagal nang hamon ng mga residente sa usapin ng transportasyon.
Sa oras na matapos, inaasahang magkakaroon na ng mas maayos na daluyan ng biyahe ang mga mamamayan na maituturing na isang hakbang tungo sa mas madaling pag-access sa mga serbisyong pangkalusugan, edukasyon, at kabuhayan. Bukod dito, magbubukas din ito ng mas maraming oportunidad para sa lokal na ekonomiya, lalo na sa pagdadala ng produkto at serbisyo sa iba’t ibang bahagi ng munisipalidad.
Ang proyektong ito ay patunay ng patuloy na pagsisikap ng pamahalaang lokal ng Ligawasan na isulong ang inklusibong kaunlaran at tiyaking ang bawat mamamayan ay tunay na nakikinabang sa mga programang pang-imprastraktura.








Views Today : 77
Views Yesterday : 87
Views Last 7 days : 609
Views Last 30 days : 3567
Views This Month : 2193
Views This Year : 18055
Total views : 30190
Leave a Reply