Nagdaos ng kanilang 1st Quarter Meeting ang Maguindanao del Sur Provincial Statistics Committee (PSC) sa Kapamagayun Hall, Provincial Government Office sa Buluan, kung saan pinagtibay ang mas pinaigting na ugnayan ng iba’t ibang ahensya para sa mas maayos at makabuluhang paggamit ng datos sa pagpaplano at pagpapaunlad ng lalawigan.
Pinangunahan ang pulong ni ENP Nulfarid S. Ampatuan, CoE, MPA sa ngalan ni Datu Ali M. Midtimbang Sr., katuwang ang Philippine Statistics Authority–Maguindanao sa pamumuno ni Mr. Naldo G. Pendaliday, Chief Statistical Specialist. Aktibong nakiisa ang iba pang miyembro ng konseho upang talakayin ang mahahalagang usapin hinggil sa estadistika at development planning.
Naging sentro ng talakayan ang mahahalagang programa tulad ng Provincial Product Accounts, data sharing ng Business Register (PLDS-BR), Livestock and Poultry Statistics sa ilalim ng LaPAD Reporting System, at ang implementasyon ng 2024 Community-Based Monitoring System (CBMS). Sinimulan na rin ang mga paghahanda para sa 2027 CBMS upang lalo pang mapalakas ang lokal na sistema ng pangangalap ng datos.
Binigyang-diin sa pulong ang kritikal na papel ng tumpak at napapanahong datos sa paghubog ng mga polisiya, programa, at proyekto ng pamahalaan. Ayon kay, Provincial Administrator Nur Ali U. Midtimbang, ang tunay na halaga ng estadistika ay makikita sa kung paano ito ginagamit sa pangmatagalang pagpaplano—upang matiyak na ang bawat hakbang ng pamahalaan ay nakabatay sa ebidensya at tumutugon sa tunay na pangangailangan ng mamamayan.
Nagtapos ang pagpupulong sa paglatag ng mga konkretong aksyon at muling paninindigan ng mga ahensya na panatilihin ang integridad ng datos at isulong ang evidence-based governance para sa isang mas matatag, inklusibo, at progresibong Maguindanao del Sur.








Views Today : 59
Views Yesterday : 87
Views Last 7 days : 591
Views Last 30 days : 3549
Views This Month : 2175
Views This Year : 18037
Total views : 30172
Leave a Reply