Muling pinagtibay ng Moro Islamic Liberation Front (M!ILF) sa pamamagitan ng isang Memorandum Order na ang United Bangsamoro Justice Party (UBJP) ang tanging opisyal at kinikilalang political party ng organisasyon.
Sa inilabas na Memorandum Order No. 06, Series of 2026 na pirmado ni Al Haj Murad Ebrahim, nilinaw na ang anumang pagtatangka na magtatag o magsulong ng ibang political party na humihikayat sa mga miyembro ng MILF—military man o political committees—ay hindi awtorisado, kinikilala, o sinusuportahan ng MILF at ng UBJP.
Binigyang-diin din sa kautusan na ang lahat ng opisyal at miyembro ng MILF ay inaasahang maging mapagmatyag at umiwas sa mga aktibidad na maaaring magdulot ng kalituhan, pagkakahati-hati, o maling representasyon ng opisyal na political structure ng organisasyon.
Babala ng pamunuan, ang sinumang lalabag sa direktibang ito ay maaaring sumailalim sa kaukulang disciplinary action matapos ang due process.
Ang hakbang na ito ay nagpapakita ng layunin ng MILF na panatilihin ang pagkakaisa at malinaw na direksyon ng kanilang political engagement sa gitna ng patuloy na transisyon mula sa armadong pakikibaka tungo sa pamamahala.








Views Today : 22
Views Yesterday : 70
Views Last 7 days : 675
Views Last 30 days : 3549
Views This Month : 1834
Views This Year : 17696
Total views : 29831
Leave a Reply