Nagtungo sa Basilan ang MBHTE Minister Mohagher M. Iqbal upang pangunahan ang serye ng koordinasyon at dayalogo kasama ang mga opisyal ng edukasyon, kabilang ang Schools Division Superintendents, District Supervisors, at School Heads ng Lamitan City Division Office at Basilan Schools Division Office.
Isinagawa ang pagpupulong upang talakayin ang kasalukuyang estado ng mga paaralan sa lalawigan, pati na rin ang mga programang pang-edukasyon at mga pangangailangan sa imprastruktura na nangangailangan ng agarang atensyon.
Bilang bahagi ng kanyang pagbisita, nagsagawa rin ng courtesy call si Iqbal sa tanggapan ng Vice Governor ng Basilan sa Sta. Clara, Lamitan City. Bagama’t hindi personal na nakadalo si Jim S. Hataman Salliman dahil sa kanyang abalang iskedyul, kinatawan siya nina Benjamin K. Hataman at Moh. Noore H. Ladjagais.
Sa naturang pagpupulong, tinalakay ang mga mahahalagang isyu kaugnay ng pagpapabuti ng mga programang pang-edukasyon at pagpapaunlad ng school infrastructure sa Basilan. Naging produktibo ang talakayan at nagbukas ng mas malawak na oportunidad para sa koordinasyon sa pagitan ng regional ministry at ng lokal na pamahalaan.
Nagpasalamat naman ang tanggapan ng Vice Governor sa pagbisita ng MBHTE, na isinama ang Basilan sa kanilang opisyal na itinerary, bilang bahagi ng patuloy na pakikipag-ugnayan sa mga lokal na sektor nauunlad ng edukasyon sa lalawigan.
Ayon sa mga opisyal, ang ganitong uri ng engagement ay mahalaga upang matiyak ang mas epektibo, inklusibo, at tumutugong mga programa para sa mga mag-aaral sa Basilan at buong Bangsamo.







Views Today : 12
Views Yesterday : 70
Views Last 7 days : 765
Views Last 30 days : 3597
Views This Month : 1824
Views This Year : 17686
Total views : 29821
Leave a Reply