Agad na kumilos si Mohagher M. Iqbal kasama ang mga opisyal ng Ministry of Basic, Higher and Technical Education matapos magtungo sa Basilan noong Abril 4 upang direktang makipagdayalogo sa mga stakeholder hinggil sa tunay na kalagayan ng edukasyon sa lalawigan.
Isinagawa ang pagpupulong sa Raayat Hall ng Provincial Capitol sa Lamitan City, bilang tugon sa ulat ng Second Congressional Commission on Education na naglantad ng seryosong hamon sa literacy sa Basilan at sa buong Bangsamoro.
Sa naturang dayalogo, nagbahagi ang mga kinatawan ng LGUs at stakeholders ng kanilang mga karanasan, suliranin, at mungkahi—mahahalagang datos upang mas maunawaan ang aktwal na sitwasyon sa ground.
Binigyang-diin ni Iqbal ang kahalagahan ng agarang aksyon at inklusibong pakikipag-ugnayan sa komunidad upang makabuo ng epektibo at pangmatagalang solusyon sa mga kakulangan sa edukasyon.
Muling pinagtibay ng MBHTE ang kanilang pangako na palakasin ang literacy programs, pagbutihin ang foundational learning, at tiyakin ang dekalidad at inklusibong edukasyon para sa lahat sa pamamagitan ng kolektibong pagkilos at pakikipagtulungan.








Views Today : 22
Views Yesterday : 70
Views Last 7 days : 675
Views Last 30 days : 3549
Views This Month : 1834
Views This Year : 17696
Total views : 29831
Leave a Reply