“𝐁𝐀𝐘’𝐀𝐇 𝐍𝐀𝐍𝐀𝐍𝐀𝐓𝐈𝐋𝐈!”—𝐀𝐋-𝐀𝐙𝐇𝐀𝐑 𝐆𝐑𝐎𝐔𝐏 𝐍𝐀𝐍𝐈𝐍𝐃𝐈𝐆𝐀𝐍 𝐒𝐀 𝐌𝐈𝐋𝐅 𝐋𝐄𝐀𝐃𝐄𝐑𝐒𝐇𝐈𝐏

Naglabas ng opisyal na pahayag ang World Assembly of Al-Azhar Graduates hinggil sa kasalukuyang sitwasyon ng mga partidong pampulitika sa Bangsamoro, kung saan muling iginiit ang kanilang paninindigan sa usapin ng liderato at pagkakaisa.

Ayon kay Shaykh Camarodin Abdulbayan, nananatiling matatag at hindi nagbabago ang kanilang panunumpa (bay’ah) sa pamumuno ni Al Haj Murad Ebrahim. Binigyang-diin niya na ang nasabing paninindigan ay nakabatay sa mga aral ng Islam, kabilang ang Hadith ng Propeta Muhammad (SAW) na nag-uutos ng pagsunod sa lehitimong liderato.

Ipinaliwanag din niya na ang kanilang bay’ah ay alinsunod sa Qur’an, partikular sa utos ng pagsunod kay Allah, sa Kanyang Sugo, at sa mga pinuno (Ulil Amr), bilang pundasyon ng kaayusan at pagkakaisa sa lipunan.

Sa naturang pahayag, malinaw na iginiit ng World Assembly of Al-Azhar Graduates na ang kanilang sinusuportahang partidong pampulitika ay ang United Bangsamoro Justice Party, bilang bahagi ng pagsunod sa liderato ng Moro Islamic Liberation Front.

Gayunpaman, binigyang-linaw rin ng organisasyon na kinikilala at iginagalang nila ang prinsipyo ng demokrasya, kung saan may kalayaan ang bawat indibidwal na pumili ng kanilang susuportahang kandidato, hangga’t ito ay nananatiling nakaangkla sa pagkakaisa at kapayapaan ng Bangsamoro.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

Our Visitor

020438
Views Today : 53
Views Yesterday : 70
Views Last 7 days : 706
Views Last 30 days : 3580
Views This Month : 1865
Views This Year : 17727
Total views : 29862