Nanindigan si Mayor Bruce Matabalao na mananatili siyang kaanib ng United Bangsamoro Justice Party sa gitna ng umiinit na usapin ng realignment ng mga lokal na opisyal bago ang nalalapit na parliamentary elections.
Sa kanyang pahayag, binigyang-diin ng alkalde na walang saysay ang pagkakawatak-watak, personalan, at alitan dahil lamang sa pagkakaiba ng partidong sinusuportahan. Aniya, mas mahalaga ang pagkakaisa at maayos na pamamahala para sa kapakanan ng mamamayan.
Ibinahagi rin ni Matabalao na nananatiling buo ang kanilang 12-0 administration sa Cotabato City, sa kabila ng magkakaibang partidong kinabibilangan ng ilang opisyal. Ayon sa kanya, si Vice Mayor Johair Madag at ABC President Haji Sulay Adtong ay nasa ilalim ng BFP, habang ang ilan pang opisyal ay nananatiling neutral o hindi pa nagdedesisyon.
Iginiit ng alkalde na hindi dapat maapektuhan ang pagkakaisa ng lokal na pamahalaan dahil sa politika, lalo na’t ang pangunahing layunin ng lahat ay magkaroon ng pinakamahusay na pamahalaang Bangsamoro matapos ang unang regular parliamentary elections sa Setyembre.








Views Today : 22
Views Yesterday : 70
Views Last 7 days : 675
Views Last 30 days : 3549
Views This Month : 1834
Views This Year : 17696
Total views : 29831
Leave a Reply