𝐀𝐁𝐎𝐓 𝐏𝐀𝐑𝐓𝐘 𝐋𝐄𝐇𝐈𝐓𝐈𝐌𝐎—𝐋𝐁𝐎 𝐁𝐈𝐍𝐀𝐒𝐀𝐆 𝐀𝐍𝐆 𝐌𝐆𝐀 𝐀𝐊𝐔𝐒𝐀𝐒𝐘𝐎𝐍

Naglabas ng opisyal na pahayag ang League of Bangsamoro Organizations upang linawin ang usapin hinggil sa pagkakatatag ng Alliance of Bangsamoro Tri-Peoples Party (ABoT Party).

Ayon sa LBO, ang ABoT Party ay isang lehitimong inisyatiba ng civil society organizations (CSOs) na layong pagsamahin ang Moro, settler, at Indigenous Peoples (IPs) para sa inklusibong pamamahala, makabuluhang representasyon, at pangmatagalang kapayapaan sa Bangsamoro.

Mariing itinanggi ng organisasyon ang mga kumakalat na alegasyon na ang ABoT Party ay konektado o front ng alinmang umiiral na partidong pampulitika o personalidad. Iginiit nilang ito ay isang independent at prinsipyadong political organization, at anumang pahayag na taliwas dito ay walang basehan at nagdudulot lamang ng kalituhan.

Ipinaliwanag din na ang pagkakatatag ng partido ay pagpapatuloy ng matagal nang adbokasiya ng LBO sa pagsusulong ng karapatan sa self-determination sa pamamagitan ng mapayapa at demokratikong proseso, kaayon ng mas malawak na peace process na pinangungunahan ng Moro Islamic Liberation Front.

Nabatid din na pormal na isinagawa ang Party Convention ng ABoT noong Marso 24, 2026, kung saan itinakda ang mga polisiya, estruktura, at direksyon ng organisasyon. Ito ay sinundan ng opisyal na pagpapatibay sa pamamagitan ng resolusyon ng LBO Council of Representatives.

Binigyang-diin ng LBO na ang ABoT Party ay may kumpletong istruktura mula barangay hanggang regional level, at naglalayong palakasin ang partisipasyon ng grassroots sectors sa demokratikong proseso.

Sa huli, nanawagan ang organisasyon sa publiko na maging mapanuri, iwasan ang misinformation, at itaguyod ang pagkakaisa, responsableng diskurso, at katotohanan para sa kapayapaan at kaunlaran ng Bangsamoro.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

Our Visitor

020400
Views Today : 2
Views Yesterday : 70
Views Last 7 days : 755
Views Last 30 days : 3587
Views This Month : 1814
Views This Year : 17676
Total views : 29811