β€œπ‹π„π€πƒ π‹πˆπŠπ„ 𝐓𝐇𝐄 ππ€ππ€π˜π‹π€π!β€β€”πŠπ€ππ€ππ€πˆπ‡π€π ππˆππ€π‹π€πŠπ€π’ 𝐒𝐀 πŒπƒπ’ ππ‘πŽπ†π‘π€πŒ

Mahigit 200 kababaihan mula sa 12 women’s organizations at iba’t ibang Gender and Development (GAD) focal persons sa mga munisipalidad ng Maguindanao del Sur ang nagsama-sama para sa Culmination Program ng Women’s Month Celebration na pinangunahan ng Pamahalaang Panlalawigan sa pamamagitan ng Gender and Development Office sa ilalim ni Provincial GAD Focal Person Bailaga B. Butuan.

Bitbit ang temang β€œLead Like the Babaylan, Filipinas,” itinampok sa programa ang mahalagang papel ng kababaihan bilang lider sa paghubog ng inklusibo at maunlad na komunidad.

Isa sa mga tampok na aktibidad ang β€œKonsulta Package” Forum kung saan tinalakay ang mga serbisyong pangkalusugan, social protection, at financial assistance na iniaalok ng mga ahensya tulad ng PhilHealth, Land Bank of the Philippines, at Ministry of Social Services and Development. Pinangunahan ang talakayan nina Reina Alba ParcΓ³n at Teodocia T. Pelle, sa moderasyon ni Bai Fajjar Mokamad.

Sa pamamagitan ng forum, nabigyan ng sapat na kaalaman ang mga kalahok kung paano ma-access ang mga programa para sa healthcare, savings, livelihood, at iba pang serbisyong makatutulong sa pagpapalakas ng kanilang kabuhayan at organisasyon.

Sa kanyang mensahe, hinikayat ni Office of the Provincial Administrator – MDS Datu Nur-Ali Midtimbang ang kababaihan na ipagpatuloy ang kanilang pagsisikap sa pagbuo ng kabuhayan at aktibong pakikilahok sa kaunlaran ng komunidad. Samantala, muling pinagtibay ni Nulfarid Ampatuan ang commitment ng lalawigan sa pagsusulong ng gender equality at pagpapalakas ng boses ng kababaihan sa mga plano ng pag-unlad.

Nagtapos ang programa sa pamamahagi ng sertipiko, 10 kilong bigas sa bawat kalahok, at turnover ng mga makinarya sa ilalim ng PAPEDTAYAN Programβ€”isang hakbang tungo sa mas pinalakas na partisipasyon ng kababaihan sa ekonomiya at pamumuno sa kanilang komunidad.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

β€œ

Our Visitor

020404
Views Today : 8
Views Yesterday : 70
Views Last 7 days : 761
Views Last 30 days : 3593
Views This Month : 1820
Views This Year : 17682
Total views : 29817