𝐃𝐑𝐄𝐃𝐆𝐈𝐍𝐆 𝐏𝐑𝐎𝐉𝐄𝐂𝐓 𝐔𝐌𝐀𝐑𝐀𝐍𝐆𝐊𝐀𝐃𝐀—𝐁𝐀𝐇𝐀 𝐓𝐀𝐑𝐆𝐄𝐓 𝐒𝐔𝐆𝐏𝐔𝐈𝐍 𝐒𝐀 𝐌𝐃𝐒!

Patuloy na isinasagawa ng Provincial Government of Maguindanao del Sur ang dredging project mula Pandag hanggang Paglat, na ngayon ay umabot na sa Barangay Damakling sa nasabing bayan.

Bahagi ang proyektong ito ng mas malawak na estratehiya ng pamahalaang panlalawigan upang mabawasan at maiwasan ang pagbaha sa mga komunidad na madalas tamaan ng matinding pag-ulan at pag-apaw ng ilog. Sa pamamagitan ng dredging o paglilinis at pagpapalalim ng mga daluyan ng tubig, pinatitibay ang kakayahan ng mga ilog na maayos na magdaloy at maglabas ng tubig.

Layunin ng inisyatibang ito na hindi lamang pansamantalang solusyon kundi pangmatagalang hakbang upang maprotektahan ang buhay, ari-arian, at kabuhayan ng mga residente sa mga flood-prone areas.

Binigyang-diin ng pamahalaan na ang proyekto ay bahagi ng kanilang patuloy na commitment sa maagap at responsableng pamamahala, na nakatuon sa disaster preparedness at climate resilience.

Sa pamamagitan ng pinagtibay na ugnayan ng pamahalaan at komunidad, layunin ng lalawigan na palakasin ang kakayahan nitong makabangon at makaiwas sa epekto ng kalamidad.

Sa ilalim ng adbokasiyang Serbisyong May Puso, patuloy na isinusulong ang mga proyektong naglalayong maghatid ng ligtas, matatag, at maunlad na kinabukasan para sa bawat mamamayan ng Maguindanao del Sur.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

Our Visitor

020400
Views Today : 2
Views Yesterday : 70
Views Last 7 days : 755
Views Last 30 days : 3587
Views This Month : 1814
Views This Year : 17676
Total views : 29811