Agad na kumilos ang Ministry of Basic, Higher and Technical Education sa pamamagitan ng kanilang On-Site Immediate Response Team upang tiyakin ang maayos na kalagayan ng mga delegado sa kanilang billeting schools sa gitna ng BARMMAA Meet 2026.
Naghatid ang team ng karagdagang essential supplies kabilang ang pail at dipper, wall fans, solar lights (indoor at outdoor), kumot, banig, flashlight, sabon, water containers, drums, beddings, emergency lights, at generator sets upang masigurong may sapat na kagamitan ang bawat atleta.
Kasabay nito, patuloy ring kinokolekta ng MBHTE team ang iba pang pangangailangan mula sa mga paaralan upang agad itong matugunan, bilang bahagi ng kanilang commitment na masiguro ang kaligtasan, kaginhawaan, at kapakanan ng bawat Atletang Bangsamoro sa buong duration ng event.








Views Today : 45
Views Yesterday : 295
Views Last 7 days : 995
Views Last 30 days : 3715
Views This Month : 798
Views This Year : 23377
Total views : 35512
Leave a Reply