Pinangunahan ng Bangsamoro Youth Commission sa pamamagitan ng BYCβMaguindanao with Cotabato City and Special Geographic Area ang pagsasagawa ng Youth and Leadership Training noong Abril 19, 2026 sa Camp Suran.
Ang isang araw na pagsasanay ay bahagi ng mas malawak na Bangsamoro Camp Suran Youth Camp 2026 na may temang βYouth for Peace, Environment, Sports and Development,β na naglalayong palakasin ang pagkakaisa ng kabataan mula sa ibaβt ibang pinagmulan, palawakin ang kanilang partisipasyon, at hubugin ang susunod na henerasyon ng mga lider na nakatuon sa kapayapaan at sustenableng kaunlaran.
Dumalo sa aktibidad ang kabuuang 170 kabataan, kabilang ang mga youth leaders, mag-aaral, at community volunteers mula sa Camp Suran at mga karatig-barangay. Lumahok sila sa ibaβt ibang learning sessions at interactive activities na nakatuon sa pagpapalalim ng kanilang kaalaman at papel sa pagsusulong ng isang mapayapa at progresibong Bangsamoro.
Ipinapakita ng inisyatibang ito ang patuloy na pagsisikap ng pamahalaan na palakasin ang kapasidad ng kabataan bilang mahalagang katuwang sa nation-building at community development.








Views Today : 252
Views Yesterday : 107
Views Last 7 days : 987
Views Last 30 days : 3723
Views This Month : 710
Views This Year : 23289
Total views : 35424
Leave a Reply