Patuloy na pinapalapit ng Local Government Unit of Datu Odin Sinsuat ang mga serbisyong panlipunan sa mga komunidad sa pamamagitan ng programang Project B.A.B.A. (Bridging Access to Basic Assistance).
Noong Abril 23, 2026, isinagawa ang ika-10 rollout ng programa sa Mahad Tamontaka Al-Arabi sa pangunguna nina Abdulmain Abas at Bobsteel Sinsuat, kung saan daan-daang residente ng Barangay Tamontaka ang nakinabang.
Kabilang sa mga serbisyong ibinigay ay libreng check-up at gamot, paggawa ng ID para sa senior citizens, PWD, at solo parents, libreng gupit, at tulong sa usapin ng buwis sa lupa. Nagkaroon din ng libreng pagpaparehistro ng birth certificate at gabay sa pagkuha ng business permits.
Namahagi rin ang pamahalaan ng vegetable seeds, negosyo packages, at food packs para sa mga pamilya. Bukod dito, may mga dignity kits, sanitary kits, school supplies, at feeding program para sa mga bata.
Layunin ng Project B.A.B.A. na ilapit ang mahahalagang serbisyo sa mga mamamayan, lalo na sa mga nangangailangan, bilang bahagi ng mas mabilis at inklusibong serbisyo ng lokal na pamahalaan.
Naging posible ang programa sa tulong ng iba’t ibang katuwang na ahensya tulad ng Integrated Provincial Health Office, Rural Health Unit, Marine Battalion Landing Team-5, MAFAR, at Municipal Social Services and Development Office.









Views Today : 43
Views Yesterday : 295
Views Last 7 days : 993
Views Last 30 days : 3713
Views This Month : 796
Views This Year : 23375
Total views : 35510
Leave a Reply