Nilinaw ng Publicus Asia Inc. na walang inilabas na BARMM survey na nag-uulat ng umanoβy mataas na approval at trust ratings ni Tomanda D. Antok.
Sa kanilang opisyal na pahayag, itinanggi ng Publicus Asia na nagsagawa sila ng anumang βPAHAYAG 2026 2nd Quarter surveyβ sa Bangsamoro Autonomous Region in Muslim Mindanao (BARMM). Ayon sa kanila, ang kanilang pinakahuling survey ay ang PAHAYAG-Q1 na inilabas noong Abril 1, 2026, at wala itong saklaw na BARMM module.
Dagdag pa ng kompanya, ang mga kumakalat na graphics at survey results na iniuugnay sa kanila ay hindi mula sa kanilang organisasyon. Wala rin umano silang kaugnayan sa mga content na inilabas sa ilalim ng pangalang βPublicus News Mindanao.β
Ipinabatid din na naabisuhan na nila si MP Antok hinggil sa isyu at kasalukuyan nang sinusuri ng kanilang legal counsel ang posibleng hakbang kaugnay ng maling paggamit ng kanilang pangalan.
Nanawagan ang Publicus Asia sa publiko, media, at online communities na maging maingat sa pagbabahagi ng impormasyon at tiyaking beripikado ang pinagmulan nito upang maiwasan ang pagkalat ng maling balita.








Views Today : 48
Views Yesterday : 295
Views Last 7 days : 998
Views Last 30 days : 3718
Views This Month : 801
Views This Year : 23380
Total views : 35515
Leave a Reply