ππ”ππ‹πˆπ‚π”π’: β€œπ…π€πŠπ„ 𝐍𝐄𝐖𝐒!”—𝐖𝐀𝐋𝐀𝐍𝐆 ππ€π‘πŒπŒ π’π”π‘π•π„π˜ 𝐍𝐀 πˆππˆπ‹π€ππ€π’

Nilinaw ng Publicus Asia Inc. na walang inilabas na BARMM survey na nag-uulat ng umano’y mataas na approval at trust ratings ni Tomanda D. Antok.

Sa kanilang opisyal na pahayag, itinanggi ng Publicus Asia na nagsagawa sila ng anumang β€œPAHAYAG 2026 2nd Quarter survey” sa Bangsamoro Autonomous Region in Muslim Mindanao (BARMM). Ayon sa kanila, ang kanilang pinakahuling survey ay ang PAHAYAG-Q1 na inilabas noong Abril 1, 2026, at wala itong saklaw na BARMM module.

Dagdag pa ng kompanya, ang mga kumakalat na graphics at survey results na iniuugnay sa kanila ay hindi mula sa kanilang organisasyon. Wala rin umano silang kaugnayan sa mga content na inilabas sa ilalim ng pangalang β€œPublicus News Mindanao.”

Ipinabatid din na naabisuhan na nila si MP Antok hinggil sa isyu at kasalukuyan nang sinusuri ng kanilang legal counsel ang posibleng hakbang kaugnay ng maling paggamit ng kanilang pangalan.

Nanawagan ang Publicus Asia sa publiko, media, at online communities na maging maingat sa pagbabahagi ng impormasyon at tiyaking beripikado ang pinagmulan nito upang maiwasan ang pagkalat ng maling balita.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

β€œ

Our Visitor

024561
Views Today : 44
Views Yesterday : 295
Views Last 7 days : 994
Views Last 30 days : 3714
Views This Month : 797
Views This Year : 23376
Total views : 35511