๐‚๐ก๐ข๐ž๐Ÿ ๐Œ๐ข๐ง๐ข๐ฌ๐ญ๐ž๐ซ ๐Œ๐š๐œ๐š๐œ๐ฎ๐š ๐๐š๐œ๐ค๐ฌ ๐Ž๐Ÿ๐Ÿ ๐๐จ๐ฅ๐ข๐ญ๐ข๐œ๐ฌ: ๐…๐จ๐œ๐ฎ๐ฌ ๐ฆ๐ฎ๐ง๐š ๐ฌ๐š ๐’๐ž๐ซ๐›๐ข๐ฌ๐ฒ๐จ ๐ฉ๐š๐ซ๐š ๐ฌ๐š ๐๐š๐ง๐ ๐ฌ๐š๐ฆ๐จ๐ซ๐จ!

Naglabas ng opisyal na pahayag si BARMM Chief Minister Abdulraof โ€œSammy Gambarโ€ A. Macacua kaugnay sa nalalapit na pagtatapos ng transition period sa Bangsamoro. Sa kanyang mensahe, binigyang-diin niya ang patuloy na commitment ng pamahalaan sa paglilingkod sa mamamayan, lalo na sa usapin ng maayos na paghahatid ng serbisyong publiko at pagpapanatili ng kapayapaan at seguridad sa rehiyon.

Ang pahayag na ito ay inilabas kasunod ng pag-endorso sa kanya ng Bangsamoro Federalist Party (BFP) bilang opisyal na kandidato nito para sa pagka-3rd District Representative sa Maguindanao del Sur. Si Macacua ay ang kasalukuyang tumatayong Secretary General ng United Bangsamoro Justice Party (UBJP). Ang mga partidong ito ay isa sa mga magkakatunggali sa kauna-unahang BARMM Parliamentary Elections.

Ayon kay Macacua, sa gitna ng mga hamon na kinakaharap ng Bangsamoro, mahalagang manatiling nakatuon ang liderato sa kanilang pangunahing tungkulin. Dahil dito, inanunsyo niya ang kanyang desisyon na pansamantalang umiwas sa anumang partisan political activities upang bigyang-prayoridad ang kapakanan ng mamamayan.

Ipinahayag din niya na ang hakbang na ito ay bahagi ng kanyang layunin na mapanatili ang katatagan at maisulong ang patuloy na pag-unlad sa rehiyon. Hinikayat niya ang ibaโ€™t ibang sektor na magtulungan at isantabi ang pagkakaiba sa politika para sa kapakanan ng Bangsamoro.

Sa huli, tiniyak ng Chief Minister na mananatiling sentro ng kanyang pamumuno ang pagpapabuti ng kalidad ng buhay ng bawat Bangsamoro, kasabay ng panawagan para sa pagkakaisa at kolektibong pagkilos sa panahong ito ng pagbabago.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

โ€œ

Our Visitor

024561
Views Today : 44
Views Yesterday : 295
Views Last 7 days : 994
Views Last 30 days : 3714
Views This Month : 797
Views This Year : 23376
Total views : 35511