Nanawagan si Mayor Bruce Matabalao sa mga tagasuporta ng United Bangsamoro Justice Party na magpakita ng pagkakaisa at positibong kampanya sa gaganaping Grand Assembly sa Camp Darapanan.
Sa kanyang pahayag, hinikayat niya ang publiko na iwasan ang mapanirang posts sa social media at huwag makipagbangayan sa ibang partido o personalidad. Binigyang-diin niya na ang eleksyon ay likas na may tunggalian, ngunit hindi ito nangangahulugan ng alitan o paninira.
Ayon kay Matabalao, mas mahalaga ang maayos, mapayapa, at makabuluhang kampanya upang matiyak na ang nalalapit na kauna-unahang parliamentary elections sa Bangsamoro ay magiging patas at sumasalamin sa tunay na kagustuhan ng mamamayan.
Nanawagan din siya ng pagtutulungan sa hanay ng UBJP upang makamit ang tagumpay sa paraang marangal at may pananalig sa gabay ng Allah.









Views Today : 43
Views Yesterday : 295
Views Last 7 days : 993
Views Last 30 days : 3713
Views This Month : 796
Views This Year : 23375
Total views : 35510
Leave a Reply